Ang aking tala ay malamang ay namatay na. Ang pagkinang nito’y unti-unting naglalaho na parang isa na lamang larawang naaagnas kasama ng panahon. Tumatanda na ako. Tumigil na ang aking pag-ikot at pagsayaw sa awit ng pagkabata. Naging itim na ang puting krayola. Marahil panahon na upang maging matanda?

"Pakiramdam ko mas tatalino ako kapag puro Latin phrases lang ang inaatupag ko,"

Overheard.

Sic semper Tyrannis. 

Apollo.

Nais kong matuklasan ang mga nakakubling yaman sa daigdig. Maliban pa roon, ang mga pangyayaring magaganap sa aking paghimlay. Bukas ang mga mata sa sekwensiya ng bawat bahagi ng buhay. Bukas ang pandinig sa mga bulong ng isip ng iba. Bukas ang pandama sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng sansinukob. 

Ngunit pansin ko na ang pagdami ng mga mapaninlang na nilalang. Madali nang magpaniwala sa mga bagay na binubulalas ng bawat isa. Ang mahinang tinig ay natatakpan ng malakas na sigaw ng isang latang babad sa hangin. Sa pagdami ng mga nakalilitong sabi-sabi, hindi na alam ng isang karaniwang tao ang dapat gawin. Kaya nga may gasera tayo upang makita ang hinaharap na tatahakin. May mga taong binigyan ng liwanag, sila ang pakinggan, tulungan at samahan. 

Ngunit wala pa rin akong alam.

almostwholesome asked: iloveyou

Labis kitang mahal kahit patay na ang pagsuyo mo. 

Going insane.

A pandemonium of a single shout turned into a modicum of sheer fuss in my thoughts. This was just the heat talking, I thought. No man can ensure the totality of redemption of an enigmatic mind. I, pondering, looking at the coal black darkness of the heavens colored by the celestial cycle, seeing the universe unfolding itself to reveal its answer which I am longing for a protracted epoch. Bitterness and sorrow consumed my fortitude and brought forth a new syntagm of thoughts given life anew. My brain feels the thud. I tremble in fear. 

I, bloodied inside, sat alone in the middle of the quiet hysteria. 

xcst

I therefore conclude that I am truly random when it comes to volition. I intend to follow my will without thinking about the results. I find it difficult to make others comprehend how my nature works and make myself be useful to them. I have a queer devotion to atrocity of the human mind but left neglected the possible and probable outcomes of this scheme. I believe in an never-ending cycle of admiration and hate towards people. I think others just find it hard to see how life and consciousness within it got its machine like process turns out to be. Our life is a struggle and our senses are the windows to this unfathomed being.

I stared into the void. I really don’t know what to think or decide what will I do next. There is a incremental pain I feel each day. Even when I type this long form I do not want my story to end. 

Iuno

Marahil hindi ko pa nakikilala ang magiging kabiyak ng aking puso. May mga pagkakataon na akala ko ay ‘iyon’ na, siya na, baka nga. Hindi ko pagbibigyan ang sarili kong magkaroon ng ibang iisipin. May mga mahahalagang bagay pa akong dapat pagtuunan ng pansin. Ngunit bakit sa gulang kong ito ay hindi ko pa rin lubos maintindihan ang ibig sabihin ng pagmamahal at pananahimik kasama ang isang iniirog. 

Kailan kaya ako makatatagpo ng isang nilalang na hahayaan akong magliwaliw sa buhay nang hindi ako pinagbabawalan?—na hindi ako pipigilang magpakasaya sa aking kagustuhan? Na tataliwas sa karaniwang isip ng lipunan at siyang uunawa sa kamalayan ng isip? Wala pa. Unborn yet.

Maaga pa upang pag-isipan ang pagpapakasal. 

Atomos

Why do I even bother
About the sky being vast?
When the ground crumbles?
A time of grief and anguish?
What color do I see?
A sound I hear in the distance?
When the things I feel so away
about the time I think you’ll say
That there is no way out of this
A mind unfolded through the fists
A universe unscathed by my scars
Shrouded by the billions of stars
I cared less about my life.

When I only think of my strife.

Iupiter

Ikaw ang hari. Malakas, ikaw ang may kayang baguhin ang isip. Bakit bigla mong binago ang iyong pananaw at pinatay ang katahimikan sa sigaw ng bawat pagluha? Malayo pa naman ang umagang nagsisilbing liwanag sa mundo. Nagmamadali kang matapos ang lahat. 
Iniisip ko nga na kung wala ang iyong pamumuno at kalakasan ay naririto pa ba ako? Ikaw ang tanglaw, pasandali at tumatagal. Ikaw ang buhay, kapag nawala ka matatapos ang daigdig; makikita ko ang bawat kwatro ng silid. Magsisiwalaan ang mga ginapos mong halimaw ng dilim. Ang isip kong malinaw ay siyang hahamog hanggang sa wala nang maaninag na buhay. Isang liwanag sa gabi ang iyong mainit na palad. Malakas ka at makisig, katumbas mo’y sandatahang marahas. 

Ikaw ang sa panaginip ko, o Haring Iupiter. Kapag nawala ang susunod mong diwata, patay na ang daigdig.

Note to self.

Bumalik tayo sa oras na tumigil akong mag-Tumblr pansamantala. Hindi pa pala tapos ang pakikipagkuwentuhan ko sa daigdig. May ingay pa sa punong lata. Hindi empty.

Naging unproductive ako noong araw na iyon kasi pakiramdam ko wala na akong maaari pang i-dagdag sa mga susulatin ko. Minsan iniisip ko kung nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin para tapusin ang mga wala namang kwentang pagre-reklamo at pag-aamok tungkol sa estado ng lipunan. Pero napagtanto ko na may kulang pa pala. Iniisip ko lang ang lipunang kinabibilangan ko mismo at hindi ang sa iba. Cool! Kinulang lang ako ng inspirasyon. Ipagpapatuloy ko na ang halos apat-na-taon nang blog